Linggo, Setyembre 11, 2011

Celebrity Gossip


Kim Chiu shrugs off rumored rift with Erich Gonzales; bonds with new friends Angelica Panganiban and Maja Salvador

Sa pag-uwi ng Star Magic talents galing sa kanilang U.S. tour last April, kapansin-pansin ang kakaibang closeness na nabuo kina Kim Chiu, Angelica Panganiban, at Maja Salvador.

Balita na sa mga lakaran at activities na ginawa nila sa nasabing tour ay laging magkasama ang tatlo.

Nahaluan nga lang ng intriga ang lahat nang lumabas ang interview ni Angelica sa TV Patrol kung saan maaanghang na salita ang binitawan nito patungkol kay Erich Gonzales.

Lumabas kasi sa kuwento na palihim daw na nagpunta ng Tagaytay si Erich at ipinakilala ito ni Derek Ramsay sa kanyang ina. Paborito daw kasi ng ina ni Derek si Erich na nakasama ng aktor sa Magkaribal.

Ayon pa sa mga lumabas na kuwento, naituro ang pangalan ni Kim na siya raw nagparating kay Angelica ng tungkol sa minsanang paglabas nina Derek at Erick.

Magkaibigan din sina Kim at Erich, na parehong kabilang sa barkadahang "Chiurigogobashu."

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon tungkol dito si Kim sa taping ng My Binondo Girl last week, paiwas siyang magbigay ng komento.

"Next question, please. Luma nang issue 'yang kay Erich," sabi ni Kim.

Napipikon ba siya kapag napag-uusapan ang isyung ito?

"Hindi naman sa napipikon, parang naaano lang na paulit-ulit kasi, e, hindi naman talaga totoo.

"Hindi ko alam kung saan nanggaling yun.

"Kahit kami nila Melissa [Ricks], nila Erich, 'O, ayan na naman, parang bakit? Ano ang problema?'

"Sila naman, may iba ding kaibigan, hindi sila-sila lang."

Nilinaw rin ni Kim na walang away sa pagitan nila ni Erich, na siyang itinuturong rason kung bakit nagsalita raw siya kay Angelica.

"Kami, continous naman ang communication namin, okay naman kami, ganun pa rin.

"Lumalabas at nagba-bonding pa rin kami," sabi ni Kim.

Sa hiwalay na panayam ay nilinaw na rin ni Derek ang isyung ito. Sinabi niyang alam daw ito ni Angelica. (CLICK HERE to read related story.)

MELISSA RICKS. Tinanong din ng PEP si Kim kung may komunikasyon pa sila ni Melissa Ricks, at kung ano ang suportang ibinibigay niya sa kaibigan ngayong break na ito at si Jake Cuenca.

"Nag-uusap kami minsan. Nag-text siya kung ano ang gagawin niya.

"Nandun lang naman ako at isang text lang, nagre-reply ako agad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento