Linggo, Setyembre 11, 2011

Celebrity Gossip

Toni Gonzaga clarifies "no makeup-no interview" issue


Isa si Toni Gonzaga sa natuwa nang malaman niyang makakasama na nila bilang regular host sa Happy Yipee Yehey! ang comedienne na si Pokwang.

Ayon kay Toni, kahit marami na raw silang hosts ng programa, wala raw sa kanila ang paistaran.

Hindi rin daw nakakadagdag ng challenge sa bawat isa na kailangan nilang pantayan ang energy ni Pokwang.

"Ako, personally, walang challenge sa amin. Hindi naman kami nagpapa-anuhan dito.

"Ang noontime [show] naman, ang bida rito, yung audience. Mga contestants.

"Lahat naman kami, may kanya-kanya kaming strength, contribution. May kanya-kanya kaming ino-offer sa show.

"Kung ano lang ang kaya namin, yun lang. Kung hindi naman namin kaya, hindi naman namin ibibigay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa studio ng Happy Yipee Yehey! sa ABS-CBN compound last Saturday, May 7.

ALTERNATIVE VIEWING. Kahit halos three months pa lang umeere ang kanilang show, ano ang nakikita nilang edge ngayon over their rival show na for more than 30 years ay sinusubaybayan na ng mga manonood—ang Eat Bulaga!?

"Alam n'yo ang edge, hindi naman sa amin dapat manggaling 'yan," sabi ni Toni.

"Palagi naman naming sinasabi, ang isang institusyon, kahit na anong gawin namin, institusyon.

"Lahat ng henerasyon, dumaan sa Eat Bulaga!. Kaya we can never see our show competing with them.

"We can only offer an alternative. That's just we are offering.

"Yun lang din naman ang sinabi ng management, e.

"Mahirap namang walang noontime ang ABS kaya gumawa sila ng noontime, para may noontime ang mga loyalista ng ABS.

"Kung susuwertehin kami na magkalaban, magtapat, e, blessing na ni Lord yun.

"Pero sa ngayon, ang iniisip lang namin, e, kung ano lang ang puwede naming ibigay."

When it comes to rating game, aminado si Toni na conscious din sila rito noong una.

"Siyempre noong una, nakakaapekto sa amin yun. Pero kasi, naramdaman namin na sinusuportahan kami ng ABS, network...

"Si Ms. Linggit Tan [ABS-CBN business unit head], palaging nakatutok sa amin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento